Cauayan City – Natagpuan kahapon December 16, 2024 na wala ng buhay ang isang lalaking napaulat noong December 05, 2024 na nawawala sa Barangay Cabisera 9-11, San Antonio, Ilagan City, Isabela.
Ang lalaki ay kinilalang si Guilmar Hidalgo nasa wastong edad at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nakita ang katawan malapit sa pampang ng Ilog Pinacanauan, bahagyang nakalubog sa putik, at nasa yugto na ng pagkabulok.
Dagdag pa ng mga opisyal, nang matagpuan ang katawan, hindi na ito isinailalim sa masusing pagsusuri dahil sa kondisyon nito at sa desisyon ng pamilya.
Tumanggi ang pamilya ng nasawi na iproseso pa ang lugar ng insidente at pinili nilang agad na ilibing ang bangkay ng kanilang kaanak sa ilalim ng kanilang pangangalaga.
Bilang patunay ng kanilang desisyon, gumawa sila ng waiver na pinirmahan sa harap ng mga opisyal ng Barangay Cabisera 9-11 upang maitala ang kanilang kahilingan na huwag nang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa lugar