Lalaking nililitis sa kasong rape, tumae sa korte

Dumumi habang patungong banyo ang isang lalaking inakusahan ng rape at dalawang reklamo ng pang-aabusong sekswal sa kalagitnaan ng pagdinig sa Singapore nitong Enero 14.

Hindi umano ito ang unang beses na dumumi sa paglilitis ang 49-anyos na si Isham Kayubi, ayon sa Channel News Asia.

Noong Agosto, umihi umano at nagpakita ng ari sa korte si Kayubi, dahilan para ipagpaliban ng hukom ang pagdinig.


Isinalang sa psychiatric assessment ang suspek, ngunit lumabas na nasa matino itong pag-iisip.

Naantala naman nang isang oras ang pagdinig kahapon matapos tumae ng suspek sa kanyang salwal.

Nadungisan din ang kanyang pantaas ngunit nagmatigas ang suspek na magpalit ng damit, dahilan para magsuot na lamang ng mask at gloves ang mga pulis na nakabantay sa kanya.

Nagtatrabahong deliveryman si Kayubi nang yayain niya ang dalawang 14-anyos na babae sa kanyang bahay at gahasain noong 2017.

Kung mapatunayang may sala, maaaring makulong hanggang 20 taon ang suspek at pagpiyansahin sa bawat reklamo ng rape.

Samantala, iginiit naman ng piskal na dapat nang balaan si Kayubi sa pang-aantala ng paglilitis.

Nagpatuloy naman ang kaso bandang hapon matapos iutos ng hukom na palitan ang maruming damit ng suspek noong lunch break.

Facebook Comments