Lalaking pasahero patungong GenSan at may nakabinbin pang kaso, naharang ng mga awtoridad sa NAIA

Hinarang ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP ASG) ang isang pasahero na papaalis sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 patungong General Santos City.

Ayon sa PNP- AVSE Group, inaresto ang nasabing pasahero dahil sa isang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa kasong paglabag sa Article 336 o Act of Lasciviousness.

Ang mga tauhan mula sa PNP Aviation Security Group, ay nakikipag-ugnayan sa Norzagaray Municipal Police Station kaugnay ng pagkakaaresto sa akusado bago pa siya makasakay sa kaniyang flight.

Plano umanong lumipat sa General Santos ang akusado kung saan naninirahan ang ang kaanak at doon nagtatrabaho bilang isang driver ng tricycle.

Samantala nagrekomenda naman ang korte ng ₱36,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng naturang indibidwal.

Facebook Comments