Lalaking pasaherong kararating mula Doha, Qatar, inaresto ng PNP Aviation Security sa Clark International Airport

Hawak na ngayon ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group at Mabalacat City Police Station ang 51 years old na lalaking pasahero na naaresto sa Clark International Airport

Ayon sa PNP-Aviation Security, nagmula umano ang lalaki sa Doha, Qatar at kalalapag lamang sa Pilipinas.

May nakabinbin umanong warrant of arrest ito dahil sa kasong paglabag sa Section 5(i) ng Republic Act 9262, na kilala rin bilang Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004.


Dinala na sa Mabalacat City Police Station ang naturang lalaki para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon habang ₱60,000 naman ang inirekomendang piyansa ng Korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Kasunod nito, tiniyak naman ng Aviation Security Group na nakahanda silang tumugon upang itaguyod ang batas at kaligtasan sa paliparan.

Facebook Comments