
Agad inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may bitbit na baril sa Barangay Western Bicutan sa Taguig City.
Kinilala ang suspek na si alyas Rex, 25 years old na residente ng Barangay Pinagsama.
Una rito, nakatanggap ng tip ang Taguig City Police Station kaugnay ng isang lalaking may bitbit na baril at pinaglalaruan pa na nagdulot ng takot sa mga residente sa lugar.
Nang rumesponde ang mga pulis sa area ay naaktuhan nila si alyas Rex na dala-dala ang walang serial number na .38 caliber revolver kasama na ang tatlong bala.
Bigong magpakita ang suspek ng dokumento sa bitbit na baril kaya agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Dinala muna sa Taguig Pateros District Hospital ang suspek para sa standard medical at physical examination bago ikinulong.










