LALAKING PINATAYAN NG VIDEOKE HABANG KUMAKANTA, NAMUKPOK NG BOTE SA ULO SA SAN QUINTIN, PANGASINAN

Pinaso ng bote sa ulo ang isang 41 anyos na babae, matapos nitong patayin ang videoke sa isang KTV Bar sa San Quintin, Pangasinan.

 

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Team kay PCPT Esteban C. Fernandez III, ang Officer-in-Charge ng San Quintin Police Station, bago ang insidente, nagkayayaan ang babae at 38 anyos na lalaki, kasama ang kanilang katrabaho na mag bar.

 

Habang kumakanta ang lalaki, pinatay ito ng babae, na hudyat ng pagsisimula ng sakitan.

 

Dagdag ni Esteban, sa puntong iyon ay nakainom na ang dalawa.

 

Nagtamo ng head injury ang biktima, at sa kasalukuyan ay nagpapagaling na, habang kusa namang sumuko ang suspek.

 

Magkatrabaho ang dalawang sangkot sa insidente.

 

Paalala ni Esteban lalo na sa mga nag-iinuman, pag-isipan bago gawin ang isang bagay na pagsisisihan din sa huli. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments