Lalaking Pintor, Natagpuang Nakasabit sa Puno!

Santiago City, Isabela- Hinihinalang nagpakamatay ang isang bangkay ng lalaki na natagpuan kahapon sa barangay Nagassican, Santiago City, Isabela.

Ang bangkay ay kinilalang si Rogelio Paez, trentay tres anyos, walang asawa, isang pintor at residente ng Purok sais Nagassican, Santiago City.

Batay sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan sa Santiago City Police Station 1, nakita umano ni ginoong Isidore Tolentino na nakasabit sa puno ng mangga na may taas na apat na talampakan ang katawan ng biktima matapos nitong makuha ang alagang baka na nakapastol sa naturang lugar.


Sa inisyal na imbestigasyon naman ng PNP Station 1, Nasa decomposition stage na ang naturang bangkay at tanging brief lamang nito ang naiwang saplot sa katawan.

Ayon umano sa pamilya ng biktima, nitong Abril bente kwatro pa ito umalis sa kanilang bahay at hindi na bumalik.

Dati na rin umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima kaya’t posible umanong nagpakamatay ito at tumanggi na ring ipa-autopsy ng pamilya.

Dinala na sa La Familia Memorial Services, Diffun, Quirino ang bangkay habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Station 1 Santiago City hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments