Lalaking pinutol ang ari, naikabit makalipas ang halos 24 oras

1914
(Getty images)

UNITED KINGDOM – Tagumpay na naikabit ang ari ng 34-anyos na lalaki matapos ang halos isang buong araw mula nang kanya itong putulin.

Sa loob ng ilang oras na pagsailalim sa operasyon ng lalaking mayroon umanong paranoid schizophrenia, muling naidugtong ang kanyang ari sa Queen ELizabeth Hospital sa Birmingham.


Ayon sa report, sinubukan nitong magpakamatay sa pamamagitan nang pagputol ng ari isang araw bago niya ito dalhin sa ospital.

Naiulat na 15 oras na itong nakatanggal mula sa kanyang katawan na nadagdagan ng walo pang oras dahil sa tagal na kailangang ilaan nang mapinsala ang iba pang bahagi nito– na may kabuuang 23 oras.

Sa pamamagitan ng masikot na operasyon kabilang ang pagtatahi ng mga ugat na nasira, tagumpay itong naibalik.

Anim na linggo matapos ang surgery, muli nang nagagamit ng lalaki ang kanyang ari.

Samantala, sabi naman ng BMG Case Report, “The success of this case therefore should encourage surgeons to attempt penile replantation, even with prolonged ischaemia [inadequate blood supply] time, due to possible success and the potential physical and psychosocial effects of organ loss for the patient.”




“Arterial flow was established a further 8 hours after arrival into hospital due to the patient’s concomitant injuries, thus making the total ischaemia time 23 hours,” dagdag nito.

Ayon sa mga eksperto, ang mga taong may schizophrenia o mental disorder ay kinakailangan ng matinding pag-aalaga dahil maaari umano nilang muling ipahamak ang sarili o anumang pinsala na mayroon sila.

Facebook Comments