
Arestado ang isang lalaki matapos na pumasok sa isang apartment ng walang permiso at mahulihan pa ng hinihinalang shabu sa Dagupan City.
Kinilala ang suspek na isang 45 anyos na lalaki at residente ng Daro, Dumaguete City.
Ayon sa report na natanggap ng Dagupan City PS, pumasok umano ang lalaki sa kwarto ng apartment ng nag-report ng walang permiso at agad na nirespondehan ng awtoridad.
Nang kapkapan ang suspek, nakumpiska rito ang nasa dalawang gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa tatlong heat sealed transparent plastic sachet na nagkakahalaga ng nasa 13,600 pesos at improvised glass tooter.
Ang mga piraso ng mga ebidensya ang masusing nailagak sa inventory habang nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









