Nagpaputok ng baril ang isang lalake sa loob mismo ng Kampo Krame.
Sa inisyal na imbestigasyon, pumasok ng Gate 2 ang 50 taong gulang na lalaki, residente ng Caniogan, Pasig City lulan ng kanyang bike.
Pagtapat umano nito sa bulwagang Lapu-Lapu area pinaputok nito ang kanyang cal .22 revolver.
Agad naman itong inaresto ng Philippine National Police (PNP) Headquarters Support Service personnel at binasahan ng kanyang Miranda rights.
Dinala ang lalake sa Forensic Group para sa medical/drug examination.
Nakumpiska rito ang 1 cal .22 revolver, 2 live ammunitions, P200 at Assorted election fliers.
Samantala, nagawa umano nito ang pamamaril dahil sa aniya’y katiwalian sa BSKE 2023.
Ipaghaharap ito ng paglabag sa R.A 10591 in Relation to COMELEC Resolution No. 10918 at Illegal Discharge of Firearm.