
Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang isang lalaking pumasok at tumakbo sa mismong runway ng Cotabato Airport sa Maguindanao del Norte.
Ayon sa PNP-AVSEGROUP, tumakbo ang lalaki sa Runway 10 ng paliparan mtapos itong tumalon sa perimeter fence.
Napag-alaman na tinangka ng indibidwal na sumakay sa isang commercial flight kahit walang kaukulang proseso at walang plane ticket.
Nagbabala naman ang PNP-AVSEGROUP sa mga indibidwal na sumunod sa patakaran ng mga paliparan para hindi na umabot pa sa pagkakaaresto.
Facebook Comments









