Lalaking pumatay sa kaniyang pamangkin sa Bataan, sinampahan na ng kaso

Bataan – Sinampahan na ng reklamo ang lalaking umaming pumatay sa kaniyang siyam na anyos na pamangking sa Dinalupihan, Bataan.

Sa kuwento ng ina ni alyas “Jenny”, bandang alas-8 ng gabi nitong linggo,
nang utusan ang bata ng kaniyang ama na bumili sa tindahan.

Pero nang lumipas na ang isang oras at hindi pa nakababalik ang bata, doon na nag-alala ang kaniyang mga magulang.


Dahil hindi mahagilap kung nasaan ang bata, nagpaskil pa sila ng panawagan.

Pero nitong Martes, Oktubre 3, natagpuan nang walang buhay si Jenny sa bakuran ng isang bahay.

Pang-ibaba na lang din ang suot ng bata at halos hubad na ang pang-itaas.

Sinabi naman ni c/ Insp. Ed Guevarra, hepe ng dinalupihan, positibong ginahasa ang biktima at naging sanhi ng kamatayan ito ang pananakal.

Mayroon ding nakitang specimen sa kaniyang kuko na indikasyong sinubukan ng biktimang lumaban at nakalmot din ang suspek.

Humingi naman ng tawad ang suspek sa mga kapamilya ni Jenny.

Facebook Comments