Lalaking Pumuporma sa Asawa ng Kabarangay,Sinaksak-Patay!

Angadanan, Isabela – Nagtamo ng matinding sugat sa tiyan at namatay ang isang lalaki sa Caloocan, Angadanan, Isabela kagabi sa oras ng alas syete dahil sa pananaksak ng kabarangay dulot ng selos.

Sa ugnayan ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Ardee Lazaro Tion ng PNP Angadadan, ang lalaki umano na pumuporma sa asawa ng kabarangay ay si Thyron Operanio at ang kaibigan nito na nasugatan sa balikat ay si Norvin Mangbanglo ng nasabi ring lugar.

Samantala ang suspek na nagselos kay Thyron ay si Mario Dupali, 40 taong gulang, isang magsasaka, residente rin ng Barangay Caloocan.


Kasama ang kaibigan ni Dupali na si Jenio Marcos, 24 taong gulang,at walang asawa.

Sinabi pa ni Inspector Tion na magkahiwalay ang grupo ng mga biktima at suspek na nag-inuman kahapon at sa pagsapit ng gabi ay inabangan nina Dupali at Marcos sina Operanio at Mangbanglo sa madilim na lugar sa kanilang pag-uwi ng bahay.

Ang nakaligtas na biktima ang nagturo sa mga suspek kung saan umamin din ang huli.

Sa malalim na imbestigasyon nabatid na nabalitaan ng suspek ang umanoy pagkagusto o pagpuporma ni Operanio sa asawa ni Dupali.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong Murder at Frustrated murder laban kina Dupali at Marcos.

Facebook Comments