Lalaking puno ng saksak-natagpuan

90

General Santos City—patuloy pang inaalam ngayon ng pulisya ang pagkakilanlan ng isang lalaki na natagpuang wala nang buhay matapos itong pinagsasaksak ng hindi pa nakikilalang suspek.
Pasado alas 6:00 ng umaga kanina ng nakatanggap ng report ang Police Station 2 na mayroong katawan ng isang lalaki na natagpuan na puno ng saksak sa kanyang katawan sa isang bakanteng lote sa Prk. Cabuay, Barangay Sinawal Gensan.
Ang biktima ay nakasuot ng pulang shorts at gray na t-shirt.
Sinabi ni Police Chief Inspector Jing Salarda, Hepe sa Police Station 2 na posibling sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing lugar dahil wala umanong indikasyon na doon nangyari ang krimen.
Napag-alaman na mayroong mahigit 10 saksak sa katawan ng biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Facebook Comments