Lalaking Responsable sa Pananambang sa San Pablo, Arestado Na!

San Pablo, Isabela- Naaresto na ang isang lalaki na responsable sa pananambang sa Bayan ng San Pablo, Isabela, kahapon, March 21, 2018.

Matatandaan na noong nakaraang Disyembre 2017, ay naganap ang pananambang sa Brgy. Annanuman na ikinasawi ng Barangay Treasurer na si Rey Mabborang at isa pang Barangay Tanod na kinilala namang si Bonifacio Lumabi.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team, nadakip ang suspek na kinilalang si Domingo Lorenzana, may-asawa at residente ng Brgy. Centro, San Pablo, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na pinagtibay ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC BR 22 sa nasabing Bayan.


Samantala, napag-alaman din na ang akusadong si Lorenzana ay isa sa mga tokhang responder.

Nasa kustodiya na ng PNP San Pablo ang suspek na ngayon ay nahaharap sa patung-patong na kasong Murder, Frustrated Murder at Attempted Murder.

Facebook Comments