LALAKING SAKAY NG NAHULOG NA SASAKYAN SA MANGALDAN, NASAWI

Nasawi ang lalaking sakay ng isang pick-up matapos itong mahulog sa PNR Bridge sa Brgy. Salaan, Mangaldan, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na isang 56 anyos, at mula Brgy. Malabago.

Narecover ang katawan nito matapos isagawa ng awtoridad ang search-and-retrieval operation habang pinagtulungan ding iniahon ang sasakyan.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na Iniimbestigahan ng awtoridad ang posibleng sanhi kung bakit ito dumiretso at nahulog mula sa tulay.

Samantala, nagpaalalang muli ang awtoridad sa mga motorista ukol sa maingat na pagmamaneho upang makaiwas sa aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments