Caloocan City – Arestado ang isang lalaki na ‘sextortionist’ sa facebook sa Caloocan City.
Batay sa imbestigasyon, niloko ng suspek na si John Abitona, 21-anyos, ang isang 17-anyos na dalagita at pinangakuan ng 10,000 pesos kapalit ang mga hubad nitong larawan.
Ayon sa dalagang biktima, nagkita sila ng suspek sa isang apartelle para kunin ang pera.
Pero dito, pinagsamantalahan ng suspek ang biktima at nakuha sa kanya ang mga kopya ng kanyang mga hubad na larawan.
Dito na nagbanta ang suspek na ilalabas nito ang mga larawan ng biktima kapag hindi siya nagbigay ng pera.
Paalala naman ni PNP anti-Cybercrime Group Spokesperson, Sr/Insp. Artemio Cinco Jr. – na huwag basta magtiwala sa mga nakikilala online.
Lumalabas na mayroon pang ibang nabiktima ang suspek na nahaharap sa kasong extortion at rape.