Lalaking sinabuyan ng ketchup ang tulog na GF, kulong

Arestado ang isang lalaki sa Florida, USA, matapos umanong paliguan ng ketchup ang natutulog niyang girlfriend, noong Hunyo 2.

Kuwento sa pulisya ng 41-anyos na biktima, bandang 4:45 a.m nang magising siyang ibinubuhos sa kanya ng nobyong si Peter Wagman, 37, ang ketchup habang sumisigaw ng “That’s what you get b*tch.”

Ayon sa pulisya, naliligo sa ketchup ang biktima nang datnan sa pinangyarihan ng krimen.


Itinanggi naman ni Wagman ang alegasyon ng girlfriend kahit na may naiwan pang bakas ng ketchup sa kanyang pantalon.

Sinampahan ng kasong domestic battery si Wagman at nakulong, ngunit pinalaya rin sunod na araw na may utos mula sa korte na huwag nang kontakin pa ang girlfriend.

Halos 11 taon na magkasintahan si Wagman at biktima, at hinihinalang pagtataksil ng babae ang pinag-ugatan ng pagtatalo nilang dalawa.

Facebook Comments