Lalaking sinita dahil walang suot na face mask, arestado matapos makuhanan ng ilegal na droga

Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng ilegal na droga nang sitahin ito ng mga pulis dahil walang suot na face mask.

Nakilala ang suspek na si Bladerich Castillank Sanchez, 28-anyos, residente ng Cabrera Rd., Taytay Rizal.

Nakuha mula sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at may katumbas na halagang P2,720.


Batay sa ulat ng Taguig City Philippine National Police (PNP), pasado alas-2:40 kaninang madaling araw pumasok ang suspek sa nasabing barangay nang walang suot na facemask.

Nang kapkapan ito ng mga pulis, doon nila nakita ang dala nitong ilegal na droga, kaya agad naman itong inaresto.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Station at nahaharap ito sa kasong paglabag sa quarantaine protocols at Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments