Lalaking sinita sa hindi pagsuot ng face mask, inaresto dahil sa iligal na droga

Hindi na pinakawalaan pa ng mga pulis ang isang lalaki na sinita nila dahil sa hindi pagsuot ng face mask matapos itong makuhaan ng iligal na droga.

Nakilala ang suspek na si Jobert Tupas Solomon, alyas “Berto”, 28-anyos at residente ng Purok 5 Dalampasigan St., Brgy. Lower, Taguig City.

Nakuha sa suspek ang limang pirasong sachet ng umano’y shabu na may katumbas na halagang ₱2,700.


Batay sa ulat ng mga pulis, pasado alas-11:45 kagabi habang naglalakad ang suspek sa kahabaan ng MLQ St., Corner Dalampasigan St., malapit sa isang gasoline station, sa may Lower Bicutan ng naturang lungsod nang sitahin ito dahil walang suot na face mask, at nang kapkapan ito ng mga pulis doon na diskubre ang dala nitong umano’y shabu.

Kaya naman agad na inaresto ang suspek at nahaharap ito sa kasong the paglabag sa Anti-illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments