Lalaking sisilbihan ng seach warrant patay sa pamamaril sa North Cotabato

Patay ang isang lalaki na sisilbihan sana ng search warrant ng Joint forces ng Matalam-Pnp, PPSC at Cotabato Police Provincial Office sa bayan ng Matalam North Cotabato.
Kinilala ang nssawing suspect na si Clay Solas Magallanes alyas onse , nasa tamang edad at residente ng Rotunda Matalam.
Sisilbihan sana ng search warrant si Magallanes subalit kaagad itong kumuha ng granada at nakatakdang ihagis sa operating team dahilan para siya ay barilin.Nagawa pa itong isugod sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.
Ang suspect ay matagal ng minamanmanan ng mga otoridad dahil sa pagkaka ugnay nito sa illegal na droga.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments