Lalaking sumaksak umano sa negosyanteng babae sa Parañaque, nagpakamatay

Parañaque City – Patay na ng natagpuang ang lalaking sumaksak umano sa isang babaeng negosyante sa BF Homes, Parañaque noong Miyerkules.

Ayon kay Supt. Raynald Rosero, hepe ng Cainta PNP, nakatanggap sila ng report na may lalaking nahulog mula sa ika-apat na palapag ng isang mall.

Isa sa narekober sa bulsa ng lalaki ang papel na may pangalan ni Edwin Casas at numero ng isang babae na positibong nagpakilala bilang kaniyang ina.


Una nang nakitang patay sa loob ng kaniyang kwarto ang negosyanteng si Menchie Modesto matapos magtamo ng 15 saksak.

Sa kuha ng CCTV ng bahay, nakitang ang huling pumasok sa kuwarto ay ang empleyadong si Casas.

Nakuhanan din ang suspek na kumuha ng kutsilyo sa kusina bago umakyat sa silid ni Modesto.

Facebook Comments