Lalaking suspek sa panghahalay, pinaghahanap na

Quezon City – Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang lalaking nang halay umano sa isang 16-anyos na dalagita na kanyang nakainuman sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si John Ferdinand Lancaon.

Ayon kay Police Chief Inspector Sandie Caparroso, tagapagsalita ng QCPD Station 6, nakikipag-inuman siya sa suspek nang bigla siyang nahilo.


Sabi ni Caparrosco, hindi nila naabutan ang suspek sa kanilang bahay pero nangako ang magulang nito na isusuko ito sa mga pulis.

Posibleng maharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 353 o New Anti-Rape Law.

Facebook Comments