LALAKING TULAK NG DROGA SA BAYAN NG ROXAS, ARESTADO!

CAUAYAN CITY – Isang street-level-individual ang arestado sa ikinasang operasyon kontra ilegal na droga ng PNP Isabela sa Sitio Pakak, Brgy. Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Pedro”, at kumpiskado mula sa kanya ang dalawang pirasong heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang cellphone, personal money, at isang motorsiklo.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng PNP Roxas ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.


Samantala, ayon kay Police Colonel Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at katahimikan sa buong lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments