Lalaking tulak ng droga sa Muntinlupa City, arestado sa buy-bust operation

28

Timbog ang isang lalaki na umano’y tulak ng droga sa Muntinlupa City matapos ikasa ang buy-bust operation ng mga otoridad laban sa suspek, pasado alas-8:20 kagabi sa Purok 5 Sucat.

Nakilala ang suspek na si Armando Hernadez Pascual alyas Chukoy.


Nakuha mula sa suspek ang tatlong gramo ng droga na may katumabas na halag na P24,400.00 at ang dalwanag daang piso na ginamit bilang buy-bust money.

Isinagawa ang nasabing operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa City Police Station sa pamumuno ni P/Maj. Peter Aquinoat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments