Lalaking Tulak ng Droga sa Tuguegarao City, Arestado!

Tuguegarao City, Cagayan – Matagumpay na nahuli ang isang lalaki matapos maaktuhan na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Tuguegarao City sa oras na alas tres trentay singko ng hapon, Marso bente uno taong kasalukuyan.

Sa ikinasang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Tuguegarao City, PDEA at RO2 ay naging positibo ang pagkakahuli ni Marthy Regatillo Carreon, trentay kwartro anyos, walang asawa at residente ng Magora Street, Annafunan East Tuguegarao City.

Nagpanggap ang isang pulis na buyer sa suspek kung saan nakuha kay Carreon ang dalawang plastik sachet na naglalaman ng white crystalline na pinaniniwalaang shabu. At nakuha rin ang isang libong piso bilang marked money.


Naging saksi sa naturang operasyon ang kapitan ng Annafunan East na si Jimmy Pagulayan at Representative Ferdinand Gangan ng Department of Justice.

Dinala na sa Regional Crime Laboratory Office 2 ang suspek at mga nakunpiska para sa drug test at laboratory examination.

Facebook Comments