Lalaking Tulak ng Droga, Timbog sa Ramon, Isabela!

*Ramon, Isabela-* Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang lalaki matapos magpositibo ang inilatag na transaksyon ng mga otoridad sa Brgy. Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Kinilala ang naarestong suspek na si Ric Cumilang, 30 anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Miguel, Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, bandang 6:15 ng gabi noong Marso 3, 2019 nang isagawa ang Drug Buy Bust Operation ng PNP Ramon katuwang ang PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto ni Cumilang.


Nakuha mula sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, limang daang piso na buy bust money, isang unit ng cellphone at isang tricycle na ginamit ng suspek.

Dinala lahat sa himpilan ng PNP Ramon ang mga nakumpiskang ebidensya maging ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments