LALAKING TULAK NG ILEGAL NA DROGA, NAKORNER NG KAPULISAN SA JONES, ISABELA

Cauayan City – Sa pinaigting na kampanya ng mga kapulisan kontra ilegal na droga, isang Anti-Illegal Drug buy-bust operation operation ang tagumpay na naisagawa sa Brgy. San Vicente, Jones, Isabela.

Naaresto ng mga awtoridad ang tulak ng ilegal na droga na kinilalang si Alyas “Nathan” matapos nitong magpositibo sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa pag-iingat nito ang 2 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang tunay na 1000 peso na siyang buy-bust money, cellphone, at isang motor na walang plaka.


Matapos ang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya, kaagad na dinala ang mga ito sa himpilan ng Jones PS kasama ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments