Lalaking tulak ng ilegal na droga sa Muntinlupa City, arestado sa buy-bust operation

41

Timbog ang isang lalaki sa Muntinlupa City na umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya pasado alyas-3:00 ng hapon kahapon.

Nakilala ang suspek na si Frederico Papa Baclaan alyas ‘Monok’.


Nakuha mula sa kaniya ang 1.2 gramo ng hinihinalang shabu at may katumbas na halagang P8,100.

Ginawa ang nasabing operasyon sa Purok 6 Brgy. Bayanan, Muntinlupa City matapos mabilhan ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu ng isang pulis na nagpanggap na pusher buyer.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments