Lalaking tulak ng ilegal na droga sa Taguig City, arestado sa buy-bust operation

65
Handcuffs

Timbog ang isang lalaki na tulak umano ng ipinagbabawal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya sa Bravo St., Barangay Central Signal, Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Melvin Sola Basagan, alyas Miyong, 22-anyos.


Nakuha mula sa kaniya ang 2.10 grams na umano’y shabu na may katumbas na halaga na P14,280 at P300 na ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang operasyon pasado alas-03:50 ng hapon kahapon sa bahay mismo ng suspek matapos makumpirma na isa siya sa mga magpapasok ng ilegal sa droga sa lungsod.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Station Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments