LALAKING TULAK NG ILIGAL NA DROGA, NASAKOTE

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang isang lalaki matapos ang ikinasang anti-illegal drug bust operation sa Brgy. Cabisera 10, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jommer”, 47-anyos, at residente ng nabanggit n lugar.

Narekober sa kanyang pag-iingat ang isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at tatlong (3) piraso ng P1,000 na ginamit bilang buy-bust money.


Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng Ilagan City Component Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, sasampahan naman ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Facebook Comments