Cauayan City, Isabela- Tuluyan nang inaresto ang isang lalaki sa bisa ng Warrant of Arrest sa Maria Aurora, Probinsya ng Aurora.
Kinilala ang suspek na si Christopher Quilla, 25-anyos at residente ng Brgy. 2 sa naturang bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, tinakasan umano ng suspek ang ang mga operatiba sa Quarantine Control Point at lihim na sumakay sa likod ng truck na nagbiyahe ng buko papasok sa bayan noong nakaraang taon.
Dahil sa insidente, hiningan umano siya ng kaukulang dokumento na nagpapatunay sa kanyang pag-uwi sa probinsya mula sa Pampanga subalit bigo itong makapagpresenta kaya’t inaresto ng mga kasapi ng PNP.
Si Quilla ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Jonald Hernandez, Presiding Judge ng MCTC Maria Aurora- Dipaculao na may petsang Pebrero 11, 2021 dahil sa kasong paglabag sa Section 9 (e) ng RA 11332 o” Non- cooperation of the person or entities identified as having the notifiable disease or affected by the health event of public concern.”
Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na sundin ang umiiral na health protocol lalo pa’t hindi biro ang lumalaking bilang ng tinatamaan ng virus sa bansa.