Nauwi sa pagkakaaresto ang isang 45-anyos lalaki matapos tumakas sa checkpoint at manakit ng dalawang pulis sa Barangay Poblacion, Binalonan.
Ayon sa ulat ng pulisya, pinara ng mga nakaduty na pulis ang suspek bilang bahagi ng kanilang Oplan Sita. Sa halip na huminto, mabilis na pinatakbo ng lalaki ang kanyang sasakyan upang tumakas.
Agad na sinundan ng mga pulis ang suspek, na kalaunan ay napahinto rin. Pinagmumura at sinigawan nito ang mga awtoridad at tinadyakan pa ang isa sa kanila.
Dahil sa insidente, agad na inaresto ang suspek at dinala sa presinto kung saan ito kalaunang nahimasmasan.
Nasa kustodiya ng Binalonan Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments