Lalaking tumalon sa barko sa Oriental Mindoro, na-rescue ng PCG

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lalaking pasahero ng barko na tumalon sa karagatan sakop ng Baco, Oriental Mindoro.

Ang pasahero na si Jomer Castillo ay taga-Romblon at patungo sana ng Maynila.

Base sa report ng PCG, sumakay si Castillo sa isang Ro-Ro passenger vessel mula sa Odiongan, Romblon na patungong Batangas Port.


Pero sa kalagitnaan ng biyahe ng barko ay bigla na lamang daw itong tumalon kung saan napansin ng mga pasahero.

Agad humingi ng rescue ang kapitan ng barko sa Philippine Coast Guard ng Oriental Mindoro at nagsagawa ng search and rescue operation.

Sinasabing ang problema sa pamilya ang dahilan ng kaniyang tangkang pagpapakamatay.

Dinala sa Oriental Mindoro Provincial Hospital ang lalaki para sa medical attention.

Facebook Comments