Lalaking tumanggi magpakuha ng temperatura, ‘nanuntok’ ng pulis sa checkpoint

Courtesy from Facebook/REX Gatchalian

VALENZUELA CITY – Isang lalaki ang dinakip sa checkpoint sa Malanday makaraang manuntok daw ng isang pulis.

Pahayag ni Col. Fernando Ortega, hepe ng Valenzuela Police, dumaan sa checkpoint ang inarestong sibilyan na nakasakay sa bisikleta mula sa Meycauayan, Bulacan.

Subalit, ayaw daw nitong tumigil at magpakuha ng temperatura kaya nauwi sa pananapak ang pakiusap ng awtoridad.


Nadiskubre rin ng pulisya na walang dalang identification card ang indibidwal.

Tanging photocopy ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance ang bitbit nito dahil mag-aapply sana siya ng trabaho sa Maynila.

Eksaktong alas-dose ng madaling araw nitong Linggo, naging epektibo ang ipinatupad ng community quarantine sa buong National Capital Region (NCR).

Inaasahang magiging mahigpit pa ang mga kinauukulan sa checkpoint sa mga susunod na araw.

Facebook Comments