Lalaking tumanggi sa inuman, nanaksak

223
Representation photo from Pexels website

BACARRA, ILOCOS NORTE – Sugatan ang isang lalaki sa Brgy. Dupires matapos umanong pilitin ang kaniyang bayaw na makipag-inuman, Linggo ng gabi.

Batay sa imbestigasyon, sinaksak ang biktimang si Manuel Madariaga, 39-anyos, gamit ang isang paet o sinisil.


Maliban sa pananaksak, hinampas pa siya ng bote sa ulo ng suspek na si Ferdinand Tumacas.

Ayon sa salarin, nagsimula raw ang gulo dahil tinanggihan niya ang alok ni Madariaga na uminom sa labas ng bahay.

Nauwi umano sa matinding pagtatalo ang insidente hanggang sa magkasakitan na raw ang dalawa.

Dinepensahan daw ni Tumacas ang sarili niya laban sa lasing at mapanakit na kaanak.

Ligtas na ngayon ang kondisyon ng biktima at patuloy na nagpapagaling sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City.

Nasa kostudiya ng PNP-Bacarra ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Facebook Comments