Lalaking tumutulong sa brigada eskwela sa isang eskwelahan sa Ormoc City, pinagbabaril patay

Pinagbabaril at namatay sa loob mismo ng eskwelahan ang isang lalaki kahapon ng hapon sa Brgy. Mabini Ormoc City.

 

Ito ang kinumpirma ni Ormoc Police Office Spokesperson Police Major Rex Cantillep.

 

Aniya alas 4:40 ng hapon kahapon habang tumutulong ang biktimang si Buenvinido Casimero sa kanyang asawang guro sa pagsasagawa ng brigada eskwela sa Mabini Elementary School  sa Brgy. Mabini Ormoc City nang pagbabarilin ito ng suspek na si Ronie Pocson.


 

Pumasok sa loob mismo ng Eskwelahan ang suspek na si Pocson at walang sabi sabing pinagbabaril ang biktimang si Casimero.

 

Ayon kay Police Major Cantillep  ang biktima ay nagtatrabaho sa LGU ng Ormoc City.

 

Sa inisyal na imbestigasyon, matagal na away ng biktima at suspek ang dahilan ng pamamaril.

 

Nakatakas ang suspek matapos ang pamamaril na ngayon ay target na sa manhunt operation ng Ormoc PNP.

Facebook Comments