LALAKING UMAAWAT SA AWAY-MAGKAPATID SA DAGUPAN CITY, SUGATAN MATAPOS MASAKSAK

Aksidenteng nasaksak ang isang lalaki na umaawat sa away ng magkapatid habang nag-iinuman sa Brgy. Tambac, Dagupan City, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Dagupan City Police Office, nag-iinuman sa isang mesa ang biktima at kapatid nito, kasama rin ang kapatid ng suspek, nang bigla umanong lumapit ang suspek upang komprontahin ang kapatid nito.

Tangkang sasaksakin ng suspek ang kapatid nito nang biglang umawat ang biktima dahilan upang siya ang masaksak sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Naisugod naman agad ang biktima sa pagamutan habang naaresto rin ang suspek maging ang ginamit na patalim.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Dagupan City para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments