Lalaking Umano’y Carnapper, Patay matapos Tumalon sa Tulay

32

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos tumalon sa Buntun bridge sa bahagi ng Solana, Cagayan ng tangkain nitong tumakas sa mga pulis pagkaraan ng inquest proceeding dahil sa kasong carnapping at masamsaman ng baril, balisong at iligal na droga.

Ayon kay PCapt. Samuel Lopez, hepe ng PNP Solana, kinilala ang nasawi na si Jomar Lagoc, 27-anyos at tubong Brgy. Piggatan, Alcala, Cagayan.


Batay sa ulat, tumalon sa mabatong bahagi ng tulay ang lalaki sa pag-aakalang mataas ang tubig nito subalit sa kasamaang palad ay nasawi ito at tumama ang kanyang ulo sa bato.

Nabatid na nakalas ng suspek ang kanyang posas na hindi lingid sa kaalaman ng mga pulis at sinamantala ang mahigpit na daloy ng trapiko sa lugar kung kaya’t nakatakas ito.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Facebook Comments