Parañaque City – Arestado ang isang 46 taong gulang na lalaki matapos umanong magpaputok ng baril sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.
Nakilala ang suspek na si Melchor Caritan Y Amad, driver ng JBL warehouse at nakatira sa Marilao, Bulacan.
Ayon sa Parañaque pulis, alas 7:45 ng gabi nagpapatrolya ang kanilang mga kasamahan nang magsumbong sa kanila ang ilang concern citizen na may nagpaputok ng baril sa kanilang lugar.
Agad pinuntahan ng mga pulis sa nasabing warehouse at inabutan doon ang suspek.
Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre 45. na baril, at magazine na may 4 na bala.
Mahaharap si Caritan sa paglabag sa RA 10591 dahil sa iligal na pagpaputok ng baril.
Facebook Comments