Lalaking Vendor na Wanted sa Batas, Naaresto sa Tumauini, Isabela!

*Tumauini, Isabela- *Arestado ang isang fish vendor na may kasong kinakaharap matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas singko ng madaling araw sa Brgy Compania, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Reymun Abaya Gavan alyas “Balot”, 28 anyos, binata at nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Tumauini si Gavan sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ni hukom Ramon Corazon P. Blanco ng 3rd MCTC Tumauini-Delfin Albano dahil sa kasong Attempted Homicide.


Dinala na sa Tumauini Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago dalhin sa court of origin nito.

Pansamantalang makakalaya si Gavan kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang tatlumpu’t anim na libong piso (P36,000).

Facebook Comments