Lalaking viral sa pang-aararo ng mga sasakyan, pinatay dahil umano nanlaban

522
Screenshot via ABS-CBN News

Patay ang driver na viral sa social media matapos araruhin ang mga sasakyan.

Ayon sa awtoridad, nanlaban umano habang inaaresto sa Silang, Cavite.


Pinang-sangga niya rin ang karelasyong buntis mula sa putok ng baril ng mga pulis.

Sinubukan ng hindi pinangalanang driver na tumakas kaya’t pinalibutan na lamang siya ng mga pulis bago mabaril.

Sa ulat ng awtoridad, narekober nila ang isang kalibre .38 na baril at granada.

Nag-viral ang video ng suspek na inararo ang sampung sasakyan sa kanto ng J.P. Laurel at Muelle de Sampaloc sa Maynila nitong Mayo 20.

Naitala ring gumamit siya ng carnap na kotse upang gawin ang krimen saka inabandona sa Mabini Bridge.

Facebook Comments

From Advertisers