Inaresto ng Dagupan City Police Office ang isang lalaking residente ng Barangay Caranglaan noong Disyembre 18, 2025 matapos itong matukoy na wanted sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte para sa paglabag sa Republic Act 9262 o VAWC Act of 2004, na may nakatakdang piyansa na ₱72,000.
Ayon sa pulisya, nadakip ang suspek sa Barangay Herrero-Perez sa pamamagitan ng pinagsanib na operasyon ng Police Station 2 at ng City Investigation and Detective Management Unit.
Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon ng kaso.
Patuloy namang iginiit ng Dagupan City Police Office ang kanilang kampanya laban sa karahasan, partikular sa mga kasong may kinalaman sa kababaihan at mga bata. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









