Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Brgy. Central East 2, Bangar, La Union kahapon ng umaga, Pebrero 10, 2026, matapos ilabas ang bench warrant laban sa kanya kaugnay ng kasong adultery.
Isinagawa ang pag-aresto sa koordinasyon ng Bangar Police Station at La Union Police Provincial Office Provincial Intelligence Unit.
Walang piyansa ang inirekomenda para sa suspek na kinilala bilang 59-anyos na welder at residente ng Brgy. Reyna Regente, Bangar, La Union.
Kasalukuyang nakakulong sa Bangar Police Station ang suspek habang hinihintay ang commitment order para sa kanyang paglilipat sa Bureau of Jail Management and Penology.
Facebook Comments








