Makati City – Arestado sa follow up operation ang isang lalaking nakapatay sa kapitbahay nito sa Makati City.
Kinilala ang suspek na si Jesus Borromeo, 51-anyos at residente ng Masangkay Street Barangay Tejeros ng lungsod.
Ayon sa mga awtoridad, napatay ng suspek nitong linggo ng madaling araw ang biktimang si Ernest Andrew.
Depensa naman ng suspek, hindi siya binabayaran ng biktima sa utang nitong P1,800 sa biniling ilegal na droga kaya niya napatay ang biktima.
Facebook Comments