LALAKING WANTED SA KASONG PAGPATAY, KALABOSO SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City – Hindi na makakapagtago pa sa batas ang isang lalaki matapos na maaresto kahapon, ika-labing apat ng Enero sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa ulat mula sa Cauayan City Police Station, ang suspek ay kinilala sa pangalang “Tino”, bente singko anyos, residente na barangay, at itinuturing bilang Top 1 Most Wanted Person Regional Level dahil sa kasong murder.

Nadakip ang suspek sa bisa ng mandamyento de aresto na inilabas ng korte dahil sa kasong kinakaharap nito.


Matapos ang pagkakaaresto, dinala sa himpilan ng Cauayan City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon bago iharap sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments