LALAKING WANTED SA KASONG PAGPATAY, NADAKIP NG MGA AWTORIDAD

Cauayan City – Tagumpay na nadakip ng kapulisan ang isang lalaking kabilang sa Top Most Wanted Person sa lalawigan ng Isabela sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Orly”, ika-pito sa listahan ng Top Most Wanted Person na nahaharap sa kasong pagpatay.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kung saan wala ring inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sa ngayon, nasa kustodiya ng CIDG Isabela PFU ang suspek para sa dokumentasyon bago ito tuluyang ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments