LALAKING WANTED SA KASONG PANGGAGAHASA, NAKORNER SA BAYAN NG DINAPIGUE, ISABELA

Cauayan City – Hindi na nakapagtago pa sa kamay ng batas ang isang lalaking wanted sa kasong panggagahasa matapos itong maaresto ng mga awtoridad kahapon ika-20 ng Setyembre, sa Brgy. Digumased, Dinapigue, Isabela.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte, naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Roderick”, itinuturing bilang Top 4 Most Wanted Person sa lalawigan ng Isabela.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa, at kasong Rape by Sexual Assault na mayroon namang inirekomendang piyansang P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng Dinapigue PS ang suspek para sa dokumentasyon bago ito tuluyang ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments