LALAKING WANTED SA KASONG PANGGAGAHASA, NASUKOL NG MGA AWTORIDAD

Cauayan City – Tagumpay na nasukol ng mga awtoridad noong ika-13 ng Hulyo sa Laoag City, Ilocos Norte ang isang lalaking wanted sa kasong panggagahasa matapos ang halos 20 taong pagtatago nito sa kamay ng batas.

Ang akusado ay kinilala sa pangalang “Jepoy”, binansagang Top 1 Most Wanted Person sa lungsod ng Ilagan.

Sa bisa ng mandamyento de aresto na inisyu ng korte at sa pagtutulungan ng mga awtoridad, positibong naaresto ng mga ito ang suspek dahil sa kasong kinakaharap nito kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Ilagan City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon bago ito ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments