CAUAYAN CITY- Matagumpay na naaresto ang isang lalaki matapos ang isinagawang manhunt operation ng Traffic Enforcement Unit (TEU) at Police Station 1, Santiago City Police Office sa Purok 3 Brgy. Dallao, Cordon, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas “Juan”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lalawigan.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Presidential Decree o PD 705 o ang Forestry Reform Code of the Philippines kung saan tatlompu’t anim na libong piso ang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pangangalaga ng Santiago City Police Office para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.
Facebook Comments